Minahan sa bansa, pinapagamit na pagkukunan ng pondo para sa post COVID-19

Iminungkahi ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa pamahalaan na pagkuhaan ng pondo para sa post COVID-19 ang mga metallic at non-metallic mining.

Nagbabala si Barbers na sa hinaharap ay posibleng maramdaman na ng bansa ang ‘shockwaves’ ng naglalakihang utang ng gobyerno na ginamit para sa COVID-19 response at implementasyon ng mga economic stimulus programs.

Naniniwala ang kongresista na ang paggamit sa mga minahan para pagkuhaan ng pondo sa COVID-19 ang solusyon para mabayaran ang mga utang at makakatulong din ito para buhayin ang ekonomiya.


Batay sa Mines and Geosciences Bureau (MGB), aabot sa $840 billion ang halaga ng yamang mineral na hindi pa nagagalaw sa bansa.

Ang Pilipinas ay itinuturing na panlima sa mga bansang mayayaman sa mineral tulad ng gold, nickel, copper, chromite, iron ore, lead, at zinc.

Iginiit pa ng kongresista na dapat nang pakinabangan ng bansa ang mga yamang mineral at huwag nang hintayin na mga dayuhan pa ang makinabang dito.

Facebook Comments