Minahan sa Nueva Vizcaya, Nag-ambag ng P350M sa Kaban ng Pamahalaan sa Gitna ng COVID-19

Sa gitna ng pandemya dulot ng COVID-19 ay nakapag-ambag ng mahigit sa P350 milyon ang isang minahan na nakabase sa bayan ng Quezon sa lalawigang ng Nueva Vizcaya.

Ayon kay James Carmichael, country manager ng FCF Minerals Corporation, ang P350.6 million na naipasok sa kaban ng national government ay bahagi lamang ng tax obligation ng kumpanya sa fiscal year (FY) 2020.

Sinabi ni Carmichael na sa taong 2021 ay nakapagbayad na rin ng mas maaga ang FCF ng P42,640,501.66 bilang obligasyon nila sa lokal na pamahalaan ng Quezon para naman sa kanilang business tax, mayor’s permit at iba pang regulatory fees para sa una at ikalawang kuwarto ng 2021 bilang bahagi ng kanilang corporate responsibility.


Ayon naman kay Mayor Dolores Binwag, malaki ang tulong ng nasabing kumpanya sa kanilang bayan at sa gobyerno lalo na ngayon panahon ng pandemya.”Most of our locally sourced revenues came from the mining firm’s taxes as required by our local government unit. For many years, FCF has been a major contributor to our socio-economic development, ” pahayag ni Binwag.

Dahil dito ay nakilala sa unang pagkakataon ang bayan ng Quezon, Nueva Vizcaya matapos tanghalin ng Bureau of Local Government and Finance (BLGF) bilang number 1 na Municipal Local Government Unit (MLGU) sa buong bansa sa Collection Efficiency of Locally Sourced Revenues (CELSR) para sa taong 2019, kung saan bumagsak ang ekonomiya ng bansa dahil sa COVID-19.

Maliban sa mga binabayarang buwis sa pamahalaan ay nagbigay rin ng P50 million ang FCF para sa implementasyon ng 2021 Social Development and Management Program (SDMP) sa bayan ng Quezon kabilang na ang mga kalapit na bayan ng Kasibu at Diffun sa lalawigan ng Quirino.

Ang FCF, lokal na subsidiary ng London-based Metals Exploration ang binigyan ng national government ng pahintulot para sa operasyon ng Runruno Gold-Molybdenum Project na matatagpuan sa bulubunduking bahagi ng Barangay Runruno, Quezon, Nueva Vizcaya.

Kamakailan, Abril 14, 2021, ay pinirmahan ni President Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 130 na nagbibigay ng pahintulot sa gobyerno para sa bagong mineral mining agreements, basta’t naaayon sa mga nakasaad sa batas.

Ayon sa ulat, nasa 100 mining projects sa bansa ang maaring magbigay ng bilyun-bilyon na pondo sa pamahalaan na maaring gamitin para sa pondo ng Build, Build, Build Program at sa pagsugpo sa COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments