Minahang Bayan sa Itogon, Ipinabukas!

Baguio City, Philippines – Ipinag utos ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu sa Provincial Mining Regulatory Board ang pagbubukas ng walumpung ektarya ng “Minahang Bayan” sa Itogon.

Ito ang naging tugon ni DENR Secretary Roy Cimatu matapos makipag diyalogo sa mahigit apat na libong mga minero.

Dagdag pa niya ay legal umano ang small scale mining dahil sa Section 11 Executive Order 79 na pinirmahan ni Dating Pangulo Benigno Aquino III noong 2012 ay pinapayagan ang mga Small Scale Operations sa mga Minahang Bayan.


Facebook Comments