Salpukan ng Motorsiklo at Toyota Fortuner sa Quezon Isabela, Isa ang Patay-Dalawa Sugatan!

413

Quezon, Isabela – Patay ang drayber ng motorsiklo habang sugatan naman ang back rider at drayber ng Toyota Fortuner matapos na magsalpukan kahapon sa kahabaan ng Purok 5, Brgy. Barucboc, Quezon, Isabela.

Sa pakikipag-ugnayan ng RMN Cauayan kay SPO1 Waltson Malayao, imbestigador ng PNP Quezon, sinabi niya na ang nasawing drayber ng motor ay kinilalang si Pedro San Pedro, may asawa at residente ng San Pedro Mallig, Isabela at ang backrider nito na si Rogelio Diascan Sabado, apatnapu’t walong taong gulang, may asawa, magsasaka at residente ng San Juan, Quezon, Isabela.


Ang driver naman umano ng Fortuner ay si Marcelo Dela Cruz Sarte, may asawa, isang OFW at residente ng Purok 1, Brgy. Barucboc, Quezon, Isabela.

Sinabi pa ni SPO1 Malayao na patungong Mallig Isabela ang motorsiklo at nang makarating sa nasabing lugar ay bigla umanong nag-over take at hindi napansin ang paparating na fortuner na mula sa kabilang direksyon ng daan.

Aniya, sa lakas ng impak ng banggaan ay tumalsik ang motorsiklo na sanhi ng tinamong malubhang sugat ng mga biktima lalo na ang drayber ng motor kung saan ay dead on arrival ito nang itinakbo sa isang pagamutan.

Sa karagdagang imbestigasyon ng mga otoridad ay napag-alaman na galing sa inuman sina San Pedro at Sabado.



Samantala, nakatakda naman ang pag-uusap ng pamilya ng magkabilang panig hinggil sa nasabing aksidente.


Facebook Comments