Patuloy ang pagpursige para maisakatuparan ang mga mithiin ng PNP P.A.T.R.O.L PLAN 2030 and PROJECT DOUBLE BARREL RELOADED sa bayan ng Minalabac sa Camarines Sur.
Isang drug suspect ang nahulli ng mga ahente ng Minalabac Police kahapon bandang alas 4:15 ng madaling araw sa Barangay San Felipe Santiago, Minalabac, Camarines Sur. Kinilala ang suspect na si Anthony Itis Y Ayade aka “Matanga” edad 25, binata at residente ng nabanggit na baangay.
Inaresto si Matanga sa bisa ng Search Warrant na inisyu ni Hon. Manuel M. Rosales, Executive Judge, RTC, Iriga City na may petsang January 25, 2018 kaugnay ng RA 9165.
Ang implementasyon ng warrant ay isinagawa ng mga elemento ng Minalabac MPS sa pangunguna ni PSI Raul R. Madridano.
Ayon sa police report, nakuha mula sa suspect ang mga sumusunod:
1. folded small piece of paper covered with plastic tape containing two (2)pieces of small transparent sachet containing white crystalline substance believed to be Methampetamine Hydrochloride (shabu);
2. one box of style body cologne containing one opened transparent plastic sachet with traces of white crystalline substance;
3. one unused folder aluminum foil; and
4. one pack of Malboro black containing one piece of metal pipe.
Ang operasyon ay isinagawa ng pulisya kasama ang mga witnesses na kinabibilangan nina Barangay Chair Jonathan L. Borja at Barangay Kagawad Jaime A. Naz.
Kasalukyang nasa kustodiya ng Minalabac MPS si “Matanga” habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.
credit to: Minalabac MPS CSPPO / PRESS RELEASE by AUTHORITY of PSI PAUL R. MADRIDANO,OIC, dated JANUARY 31,2018
Minalabac: Alyas "MATANGA" – Tiklo sa Drug Ops
Facebook Comments