MINALIIT | Binuong komite ni Pangulong Duterte na nakikipagdayalogo sa religious groups, minaliit ni Sen. Trillanes

Manila, Philippines – Minaliit ni Senador Antonio Trillanes IV ang binuong komite ni Pangulong Rodrigo Duterte na makikipagdayalogo sa religious groups.

Hirit ni Trillanes, gimik lamang ito ng Pangulo.

Aniya, dapat mag-sorry si Pangulong Duterte dahil marami siyang nasaktan tungkol sa pahayag nito sa Diyos.


Para kay Trillanes, ang pananalita ng Pangulo ang magiging dahilan ng pagkalas ng mga tagasuporta nito sa kanya.

Sagot naman ni Presidential Spokesman Harry Roque, nagiging espesyalista sa mga demonyo si Trillanes.

Facebook Comments