Bagama’t nagdaan sa masamang karanasan, hindi sumuko at nagsumikap pa rin ang isang Pinay OFW na ngayon ay matagumpay na sa buhay.
Noong 2014, nagtrabaho bilang domestic helper si Jonalyn Tayoto sa isang pamilya sa Kennedy Town, Hong Kong.
Napilitang umuwi sa Pilipinas si Tayoto matapos makaranas ng pang-mamaltrato sa amo niyang babae na pinagtatrabaho siya nang mahabang.
Bukod sa kakaunting pagkain lang ang ibinibigay sa kanya, wala ring nakalaang kwarto at pinatutulog lamang siya sa sofa.
Hindi rin nakaligtas si Jonalyn sa nanay ng amo niya nang isang beses ay ituro siya nito na sumunog daw sa damit ng amo niya pero ang totoo, ang nanay ng amo ang gumawa nito.
Hindi na ito natagalan ni Jonalyn at nagpasya nang bumalik sa Pinas matapos ang tatlong buwan.
Hindi nawalan ng pag-asa at naisipang muling sumubok, sa pagkakataong iyon ay sa Japan naman nakipagsapalaran si Jonalyn.
Tumungo siya sa Japan bilang turista saka nagtrabaho sa isang hotel. Habang nagtatrabaho, nagsimula na rin siyang magbigay ng payo sa mga kapwa Pinoy doon tungkol sa mga problema sa immigration.
Napansin ng may-ari ng hotel ang pagiging maalam ni Jonalyn, kaya pinakiusapan nito ang kaibigang mayroong immigration consultancy license na ipahiram kay Jonalyn upang ligal itong makapagtrabaho at makapagsimula sa sariling opisina.
Desidido at agad naitayo ni Jonalyn ang Forza Consultant, kuhaan ng visa sa Nagoya, Japan.
Ngayon ay matagumpay na napatatakbo ng Pinay ang kanyang kompanya.
Katunayan, nagawa pa nitong muling pumunta sa Hong Kong, para naman magbakasyon at sariwain ang karanasang nagdala sa kanya sa kung nasaan siya ngayon.