MINAMATYAGAN | 12 tulay sa Metro Manila, mino-monitor ng DPWH dahil sa "Poor Condition" ng mga ito

Manila, Philippines – Labindalawang (12) tulay sa NCR ang mino-monitor ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa “Poor Condition” ng mga ito.

Kabilang dito ang makasaysayang old santa mesa bridge o mas kilala bilang San Juan del Monte bridge na kumukonekta sa mga Lungsod ng San Juan at Santa Mesa, Maynila.

Pinagbawalan na ring dumaan dito ang malalaking truck at mga sasakyang may mahigit 10 tonelada ang bigat.


Kahapon lang nang isara sa mga motorista ang Otis Bridge sa Pandacan, Maynila matapos makitaan ng mga bitak dahil na rin sa katandaan.

Posible umanong abutin ng 18 buwan ang pagsasaayos sa Otis Bridge.

Facebook Comments