MINAPPARABUAK FESTIVAL 2024 SA LUNGSOD NG CAUAYAN, PORMAL NG BINUKSAN

Cauayan City – Pormal ng binuksan ngayong araw, ika-21 ng Oktubre ang selebrasyon ng Minnaparabuak Festival 2024 sa lungsod ng Cauayan.

Ang selebrasyong ito ay bilang pagkilala sa natatanging kobtribusyon ng Cauayan City pagdating sa larangan ng pagpapaunlad ng sining kultura, iba’t-ibang talento, at bilang bahagi na rin ng Cauayan City Lunsod Lunsad Program 2024.

Personal na nakibahagi sa selebrasyon si DTI Regional Director Ma. Sofia Narag kasama ang Iba pang kawani ng DTI, at Cauayan City Officials sa pangunguna ni Cauayan City Mayor Hon. Caesar “Jaycee” Dy, Jr.


Tampok ngayong umaga sa mini bazaar ang iba’t-ibang produkto ng mga Local MSME’s sa lungsod.

Samantala, magtatagal ang selebrasyon hanggang sa ika-25 ng Oktubre kayat inaanyayahan ang lahat na makiisa at makisaya sa pagdiriwang ng pista.

Facebook Comments