Tiniyak ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na makatatanggap ng mas maraming bakuna ang mga lugar sa Mindanao na may mataas na kaso ng COVID-19.
Kasunod ito ng inaasahang pagdating ng mahigit 10-milyong dose ng COVID-19 vaccines sa bansa ngayong Hunyo.
Ayon kay Galvez, agad nilang ipadadala sa Mindanao ang mga bakuna oras na dumating sa bansa.
Tiniyak din ng kalihim na hindi nila pinababayaan ang ibang rehiyon pagdating sa vaccine deployment.
As of June 14, kabuuang 1,735,630 vaccine doses na ang naipadala sa Mindanao.
Facebook Comments