Mga katutubong damit sa Mindanao, makikita na sa London museum

Photo Courtesy from Davao City Government on Facebook

Naimbitahan ang Davao Fashion Design Council o DFDC upang magbigay ng suplay ng indigenous clothing o mga katutubong mga damit ng DavaoeƱos na ipapadala sa Victoria and Albert Museum (V&A) sa London.

Ayon kay DFDC President Dodjie Batu, nakipag-ugnayan sa kaniya ang British Council upang idagdag ang mga terno ng designer na si Salvacion Lim “Slim” Higgins.

“Considering that this is the biggest museum in London, we are really grateful that the DFDC will be able to showcase Davao Region,” paliwanag ni Batu.


Itinuturing nag Davao Region na isa sa pinakamayaman sa kultura ng indigenous people sa Mindanao.

Inaasahan na mapupunta ang collective pieces ng katutubong mga damit sa Setyembre.

Facebook Comments