Mindanao ligtas pa ring bisitahin ng mga turista – DOT

Tiniyak ng Department of Tourism (DOT) na ligtas pa rin namang bisitahin ng mga turista ang Mindanao.

Ayon kay Tourism Assistant Secretary Roberto Alabado, mayroon pa rin namang lugar sa Mindanao ang nananatiling ligtas at tourists friendly.

Sinabi din ni Alabado na ang kanilang mga regional offices sa Mindanao ay patuloy na gumagawa ng hakbang upang mapanatiling masigla ang turismo sa Mindanao.


Puspusan din ang ginagawang effort ng Tourism Regional Offices upang mabago ang perception o pananaw ng nakararami dahil nasa ilalim pa rin ng martial law ang Mindanao matapos ang May 2017 Marawi siege.

Ilan sa mga tourist spots na maaaring dayuhin ng mga turista sa Mindanao ay ang pamosong Siargao Island, hometown ng Pangulong Duterte Davao City, Zamboanga, Surigao at Cagayan de Oro.

Facebook Comments