United Nations, maglulunsad ng Gaza aid appeal para sa mga naapektuhan ng airstrikes

62

Inihayag ng United Nations (UN) na tutulong ang organisasyon na Gaza aid appeal sa pagsasaayos ng mga nasirang gusali matapos ang palitan ng airstrikes ng Israel at Hamas.

Ayon kay UN Humanitarian Coordinator for Palestinian Territories Lynn Hastling, sinisigurado nila na ipagpapatuloy ng organisasyon ang suporta sa gitna rin ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.


Samantala, sinabi naman ni US President Joe Biden na handa silang makipagtulungan sa UN sa pagpapadala ng tulong sa Gaza.

Matatandaang nagkasundo ang dalawang kampo na magpatupad ng ceasefire matapos ang 11 na araw na airstrikes na ikinasawi ng daan-daang indibidwal.

Facebook Comments