Mindanao, prayoridad na gawing ‘food basket’ ng bansa – DA

Prayoridad ng Department of Agriculture na gawing ‘Food Basket of the Philippines’ ang Mindanao.

Ayon kay DA Secretary William Dar, tinitingnan nila ang rehiyon bilang pangunahing bahagi sa pagsulong ng agrikultura at pag-unlad sa kanayunan.

Ani Dar, ang Mindanao ang may malaking kontribusyon sa ekonomiya ng bansa.


Patunay aniya rito ang mayaman nitong lupa, klima na kaaya-ayang paunlarin at maging sentro ng agri-industrialization.

Ang ‘cacao commodity’ ng Mindanao ay may potensyal na maipakilala sa international market.

Palalakasin ng DA ang ‘industry roadmap’ ng cacao katuwang ang Department of Trade and Industry upang mas lalo nilang maitatag ang value chain system nito.

Facebook Comments