Manila, Philippines – Iginiit ni Transportation Railways Undersecretary Timothy John Batan na ilang beses silang nagpadala ng sulat na kinokondena ang pagdawit ni DOTr Assistant Secretary Mark Tolentino sa first family tungkol sa Mindanao Railway Project.
Ayon kay Batan, malinaw na sinuway niya ang utos ng nakatataas sa kaniya na ipagpaliban muna ang isinagawa nitong press conference.
Kasabay Nito, Nilinaw Ni Batan Na Walang Anomalya Sa Mindanao Railway Project.
Gayunman, sinabi ni Batan na hindi sapat ang naaprubahang pondo para mabuo ang 1,500 kilometers na railways.
Kaya naghahanap aniya ng paraan ang ahensiya kasama ang iba pang economic managers kung saan huhugot ng pondo.
Samantala, sa pahayag naman ni Tolentino sa RMN-DZXL Manila, sinabi niyang nirerespeto niya ang desisyon ng Pangulo.
Patuloy rin aniya niyang susuportahan ang Pangulo at alam niyang lalabas rin ang katotohanan.