BAGONG PINUNO | Senador Tito Sotto III, pormal nang umupo bilang bagong senate president

Manila, Philippines – Pormal nang umupo bilang bagong Senate President si Senador Vicente “Tito” Sotto III at pinalitan si Senador Koko Pimentel III.

Mismong si Pimentel ang nanguna sa pag-nominate kay Sotto, bilang pagpapakita na walang sama ng loob sa bagong liderato ng senado.

Si Pimentel ay kabilang sa re-electionist senator na nakatakdang mag-file ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) sa buwan ng Oktubre.


Sumaksi sa panunumpa ni Sotto ang kanyang asawa at beteranang actress na si Helen Gamboa, gayundin ang kanilang mga anak.

Kasabay nito, agad ring hinalal bilang bagong majority leader at chairman ng rules committee si Senador Migz Zubiri.

Facebook Comments