
Nagkomento ang Mines and Geosciences Bureau sa alegasyon na isa sila sa mga dahilan ng madalas na pagguho ng slope, na naging sanhi ng pagkasira ng rockshed sa Sitio Camp 6, Barangay Camp 4, Tuba, Benguet.
Pahayag ni Raymanne Mabazza, supervising geologist, bahagi ng bundok ay idineklara bilang “minahan ng bayan” noong Mayo 6, 2021, na may lawak na 31.25 ektarya.
Ipinaliwanag niya na hindi ito ang dahilan ng pagguho ng slope sa nasabing rockshed dahil malayo ito sa kalsada.
Nilinaw niya na ang dahilan ng pagguho at pagkasira ng bahagi ng rockshed ay dahil ang lugar ay “very high landslide susceptible.”
Idinagdag niya na ang bundok kung saan nakatayo ang rockshed ay hindi lamang minsan naguho.
Kasabay nito, sinabi rin ni Santiago Bugnosen, Engineer 2 at Chief ng Mine Monitoring Technical Services Section, na may mga naunang pagmimina sa paligid ng bundok, ngunit ito ay sealed pa noong mga nakaraang taon.









