Mini Elf Tinumbok ang Motorsiklo, Dalawa Sugatan!

Roxas, Isabela – Sugatan ang dalawang drayber matapos tumbukin ng mini elf ang kanyang sinusundang motorsiklo sa kahabaan ng Provincial Road sa Barangay San Jose, Roxas, Isabela.
Kinilala ang drayber ng mini elf na si Ariel Vacarao, trentay uno anyos, walang asawa at residente ng Barangay Bantog, Roxas, Isabela samantalang kinilala naman ang drayber ng motorsiklo na si Christian Requito, bente syete anyos, may asawa at residente ng Barangay Casili, Mallig, Isabela.

Sa impormasyong ibinahagi ng PNP Roxas, binabaybay ng dalawang magkasunod na sasakyan ang kahabaan ng nasabing lansangan ng biglang mag-overtake si Vacarao na sanhi ng aksidenteng matumbok si Requito.

Sa resulta nagtamo ng sugat sa ulo at bali sa parehong binti si Requito samantalang sa kanang bahagi ng hita ang nasugatan kay Vacarao.
Agad na isinugod sa pagamutan ang dalawa samantalang dinala naman ang dalawang saskyan sa PNP Roxas para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.


Facebook Comments