Dinagsa ng mga aplikante ang mini job fair ngayong araw sa Navotas City na inilunsad ng PESO Navotas katuwang ang DZXL Radyo Trabaho.
Ayon kay PESO Navotas Manager Estelita Aguilar, nasa 20 lokal na kompanya ang nag-aalok ng trabaho sa kanilang lungsod.
Ito rin ang kauna-unahang face-to-face job fair na gaganapin sa kanilang lungsod dahil sa nagdaang pandemiya.
Aniya, mahigit 2,405 ang bakanteng trabaho ang inaalok sa job fair na inilunsad sa kanilang mini job fair.
Dinaluhan naman ito ni Mayor John Rey Tiangco para bigyan ng mensahe ang mga nagsisipag-apply ng trabaho sa kanilang lungsod na inilulunsad nila na trabaho para sa mga Navoteño.
Para naman sa mga first time job seeker ay huwag mag-alala dahil mayroong one- stop shop na libreng makakuha ng SSS, PhilHealth, at Pag-ibig.
At sa mga dadalo pa sa mini job fair ay magdala lamang ng inyong mga resume at kung mabibitin ay may naka-antabay na libreng printing na makakatulong sa mga mag-apply.