Itinaas na ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang minimum capital para sa mga rural bank.
Dahil dito, Kinakailangang maabot ng mga rural bank ang 50 million pesos na minimum capital mula sa 10 milyong piso sa susunod na limang taon.
Kaugnay nito ay patuloy ang pagdami ng rural banks na nag-shift na sa digital process kasunod ng pagbubukas muli ng ekonomiya sa bansa.
Sa isang pahyag ng Rural Bankers Association of the Philippines (RBAP), niyayakap na ng kanilang industry ang digitalization bunsod ng ilang advantages nito.
Dagdag pa nito, hakbang na rin ito para makasabay sila sa pagbago ng business environment na binago ng COVID-19 pandemic.
Batay sa datos ng BSP, nasa 380 ang lisensyadong rural banks sa bansa kung saan nasa 358 dito ang miyembro ng RBAP.