Maaaring ipasara ng pamahalaan ang mga tiangge o bazaars sakaling hindi naipatupad ng maayos ang minimum health standards.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat manatili ang pagsusuot ng face masks, face shield at physical distancing dahil inaasahang maraming tao ang pupunta sa mga ganitong lugar ngayong holiday season.
Pwede aniyang magpatupad ang mga tiangge at bazaars ng limit sa bilang ng taong papasok para maiwasan ang overcrowding.
Dapat ding magkaroon ng entry at exit points para maayos ang daloy ng mga tao sa shopping areas.
Nagpaalala si Roque sa mga Local Government Units (LGUs) na responsibilidad nilang ipatupad ang health protocols sa kanilang nasasakupan.
Facebook Comments