Nais ng Department of Labor and Employment (DOLE) na isama ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at minimum wage earners sa listahan ng mga unang mababakunahan kontra COVID-19.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, dapat silang sumunod pagkatapos ng mga health frontliners, mga sundalo at vulnerable sector.
Nararapat lamang aniya na maprayoridad ang mga OFWs lalo na sila ay modern-day heroes habang ang mga minimum wage earners ang nagpapatakbo sa ekonomiya.
Isusulong nila ang panukalang ito sa Inter-Agency Task Force (IATF).
Batay sa IATF-EID list, prayoridad na makatatanggap ng COVID-19 vaccines ay mga health workers, senior citizens, indigent population, uniformed personnel, school workers at government workers.
Facebook Comments