Minimum wage earners, dapat iprayoridad din sa COVID-19 vaccination program

Iginiit ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva kay COVID-19 National Task Force (NTF) Chief Implementer Carlito Galvez Jr. na iprayoridad din sa vaccination program ang mga minimum wage earners.

Ayon kay Villanueva, bukod sa mga frontliners tulad ng healthcare workers, pulis at militar ay mahalaga ding maproteksyunan ang kalusugan ng mga manggagawa.

Diin ni Villanueva, napaka-importante ng labor force lalo na sa pagpapatatag ng ekonomiya na labis na naapektuhan ng krisis na dulot ng pandemya.


Paliwanag ni Villanueva, maituturing din na high-risk spreaders ng virus ang ilang uri ng mga manggagawa tulad ng factory workers, construction workers, mga nagtitinda sa palengke at driver ng mga pampublikong sasakyan.

Katwiran ni Villanueva, sila kasi ay araw araw nating nakakasalamuha sa pagbili ng pagkain, sa pagbyahe at sa iba pang mahahalagang lakad.

Facebook Comments