Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inaprubahan na ang dagdag sahod sa mga minimum wage earners sa National Capital Region (NCR) at Western Visayas.
Sa ipinalabas na statement ng DOLE, inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB)-NCR ang ₱33 na dagdag sa minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila.
Dahil dito, aabot na ang bagong minimum wage rate sa NCR sa P570 para sa mga non-agriculture sector at P533 sa agriculture sector.
Sa inilabas naman ng Wage Order No. RBVI-26 ng RTWPB-VI, Aabot sa ₱55 hanggang ₱110 na dagdag sahod ng mga manggagawa para sa non-agriculture, industrial at commercial sector sa Western Visayas.
Dahil dito, aabot na ang sweldo ng mga minimum wage workers sa P450 at P420 naman para sa mga establisyemento na may sampu lang pababa ang empleyado
Habang inaprubahan din ang P95 na increase para sa agriculture sector dahilan upang umakyat na sa P410 ang arawang sweldo.
Bukod dito, ginawa na rin na P4,500 ang new monthly minimum wage rate ng mga domestic workers sa Western Visayas.
Ang dagdag sahod ay magiging epektibo 15-days matapos ang publication.