MINING LAW | DENR, ipinauubaya na sa Kongreso ang desisyon hinggil sa open pit mining

Manila, Philippines – Ipinauubaya na ng gobyerno sa Kongreso ang desisyon kung papayagan ang open pit mining.

Ito ang inihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kasabay ng pagsuporta nito sa panukala ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na tuluyang ipagbawal ang open pit mining.

Ayon kay DENR Undersecretary Jonas Leones – ibinibigay na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ang pag-amyenda sa mining law kaysa mag-isyu ng executive order.


Samantala, patuloy na kumokonsulta ang Chamber of Mines of the Philippines sa gobyerno para naman sa mga propose measure para sa large-scale mining.

Facebook Comments