Saturday, May 16, 2026

Minor phreatic eruption sa Bulkang Taal, ma-monitor ng PHIVOLCS ngayong Sabado

Namataan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ngayong Sabado, May 16 ang isang minor phreatic eruption sa Bulkang Taal pasado 12:16am kaninang madaling araw.

Umabot sa 300 metro ang taas ng plume na dulot ng minor eruption base sa kuha ng mga sped-up thermal camera sa Main Crater ng nasabing bulkan.

Samantala, nananatiling nasa Alert Level 1 ang Bulkang Taal kung kaya’t mahigpit oa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island o pamamalagi sa lawa nito maging ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng nasabing bulkan.

Facebook Comments