Saturday, May 16, 2026

Special payout ng P5-K ayuda para sa mga motorista, patuloy pa ring ikinakasa

Patuloy na ikinakasa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng P5-K Fuel Subsidy Assistance sa mga TNVS at MC Taxi driver matapos ang kasunduan ng Transport Network Vehicles at ng departamento.

Ngayong araw, May 16 kasalukuyang tumatanggap ng nasabing ayuda ang mga TNVS driver ng Indrive sa SMX Convention Centre sa Pasay City na tatagal hanggang mamayang alas-8pm.

Samantala, ngayong araw, May 16 din sinimulan ng DSWD ang payout para sa mga TNVS at MC Taxi drivers ng JoyRide hanggang mamayang alas-4pm sa Ang Bahay ng Alumni — Ground Floor, Magsaysay Ave., UP Diliman, Quezon City at inaasahang magtatagal pa hanggang sa Martes, May 19.

Marring paalala naman ng DSWD, huwag nang pumunta sa masabing payout site kung wala ang pangalan sa payout tracker at hintayin na lang ang susunod na schedule.

Facebook Comments