Minority bloc sa Kamara, handa na sa budget deliberations

Handa na ang minority bloc sa Kamara para sa nalalapit na budget deliberations.

Pahayag ito ni minority leader Marcelino “Nonoy” Libanan sa harap ng nakatakdang pagsusumite ngayon ng Malakanyang ng panukalang 2023 national budget na nagkakahalaga ng ₱5.268 trillion.

Ayon kay Libanan, nagpulong na sila sa minority bloc at nagkaisa na magiging isang ‘responsible minority’ sa pagbusisi sa pambansang pondo para sa susunod na taon.


Tiniyak ni Libanan na magdo-doble kayod sila dahil 80 ahensya ang kailangan nilang busisiin ang budget habang 25 lamang silang mambabatas na kabilang sa minorya.

Binanggit ni Libanan na posible rin na magkaroon ng hiwalay na budget briefing ang ilang mga ahensya para sa minority bloc.

Facebook Comments