Isang Pinay domestic worker, natagpuang wala nang buhay sa bahay ng kaniyang amo sa Hong Kong

721

Isang 51-anyos na Filipina domestic worker sa Hong Kong ang natagpuang wala nang buhay sa bahay ng kaniyang employer.

Agad namang tumawag sa pulis ang employer nito para i-report ang pagkamatay ng OFW.

Wala namang natagpuang suicide note sa kwarto ng Pinay worker at sinasabing bigla na lamang itong nawalan ng malay.


Isasailalim sa autopsy ang labi ng OFW para makumpirma ang dahilan ng pagkamatay nito.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Philippine Consulate sa employer ng OFW para makakuha ng mga impormasyon sa pagkamatay ng Pinay worker.

Facebook Comments