Minority leader Benny Abante, pinagreresign ang kongresistang nag-bomb joke sa NAIA

Hinamon ni House Minority Leader Benny Abante na magbitiw na bilang kongresista si APEC Partylist Rep. Sergio Dagooc kasunod ng bomb joke sa NAIA.

Ayon kay Abante, hindi tama ang ginawa ng kasamahang mambabatas.

Giit nito, kung hindi kaya ni Dagooc na umakto ng tama bilang isang mambabatas mas makabubuting magresign na lamang ito.


Dapat aniyang isipin ng mga kongresista na nakatingin sa kanila ang sambayanan kaya huwag aniya na sila mismong mga mambabatas ang humila pababa sa institusyon.

Sinabi ni Abante na malaki ang epekto ng inasal ng mambabatas sa institusyon ng Mababang Kapulungan dahil ikalawa na itong insidente kasunod ng panununtok ni Ang Probinsyano Rep. Alfred Delos Santos.

Sa kabila nito ay todo tanggi naman si Dagooc na ginawa niya ang bomb joke.

Facebook Comments