Pag-aresto sa mga mahuhuling sangkot sa iligal na sugal inutos na ni PNP Chief Oscar Albayalde

Iniutos na ni PNP Chief Police Gen Oscar Albayalde sa lahat ng Police regional Directors ang pagsasagawa ng operasyon kontra sa mga iligal na sugal sa bansa.

ito ay matapos na ipagutos ng Pangulong Rodrigo duterte ang pagpapatigil ng lahat ng sugal na operated o franchised ng PCSO dahil sa talamak na korapsyon.

Sinabi ni PNP Spokesperson Police Brig Gen Bernard Banac na utos ni PNP Chief sa mga PNP regional directors arestuhin ang sinumang maaktuhang nagsusugal.


Mahaharap aniya sa kaso ang sinumang lalabag sa utos na ito ng pangulo.

Panawagan naman ng PNP sa publiko ireport sa pulis ang sinumang indibidwal o grupo na patuloy na nasasangkot sa illegal gambling sa kanilang komunidad.

Facebook Comments