Manila, Philippines – Nagkasundo ang minority group saKamara na boboto sila bilang isang bloc sa isyu ng impeachment laban kina PangulongDuterte at Vice President Leni Robredo.
Sinabi ni House Minority Leader Danilo Suarez na iisa angmagiging boto nila sa usaping ito hindi tulad ng kanilang naging boto sa deathpenalty bill kung saan pinairal ang conscience vote ng minority congressmen.
Ayon kay Suarez, ang pagkakaroon ng isang boto sa usapinng impeachment ay napagdesisyunan na nila sa kanilang naging pulong.
Tutol naman si buhay PL Rep. Lito Atienza sa nagingbasehan ng impeachment complaint laban kay Robredo.
Hindi aniya pwede maging basehan ang video message nitosa un kung saan isiniwalat ang isyu ng palit ulo at binatikos ang kampanya sadroga ng gobyerno dahil ito ay karapatan ni robredo na pumuna sa tingin nito aymali sa pamahalaan.
Pero, duda naman si Atienza sa usapin ng SALN ni Robredo lalo’thindi malinaw na idineklara nito ang halaga at shares nito sa MERALCO.
Minorya, magkakaisa ng boto sa impeachment complaint
Facebook Comments