Snatcher, himas rehas matapos mabuliluaso ang lakad sa Muntinlupa City

Manila, Philippines – Nahulog sa kamay ng mga otoridadang isang hinihinalang kilabot na holdaper nang tangkaing agawin ang bag isangbabae sa Muntinlupa City.
  Nakilala ang suspek na si Rey Charles Batbat, 26-anyos,may asawa, at nakatira sa Sta. Ana Valley, Parañaque City.
  Ayon sa pulisya, huli sa akto si Batbat habang inaagawang bag ng isang babae sa harap ng Total Gasoline Station sa West Service Roadsa Barangay Cupang sa lungsod ng Muntinlupa.
  Nang kapkapan ng mga kagawad ng PCP 4 – Muntinlupa CPS,nakuha mula sa kanya ang isang kalibre .38 na baril, apat na bala at isangYamaha Mio Sporty na walang plaka.
  Ang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA 10591at attempted robbery.

Facebook Comments