Minorya sa Kamara, buo ang suporta sa pagbuo ng Joint Congressional Oversight Committee para sa 2026 National Budget

Tiniyak ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima ang buong suporta ng minorya sa Kamara sa paglikha ng Joint Congressional Oversight Committee on Public Expenditures na magbabantay sa paggastos sa 2026 National Budget.

Katwrian ni De Lima, bagama’t binusisi nilang mabuti ang 2026 budget ay hindi pa rin maaring maging kampante sa pagiging corruption-free nito.

Giit ni De Lima, nananatili ang unprogrammed appropriations (UA) o “shadow pork” sa pambansang pondo ngayong tayon kung saan lumobo rin ang “soft pork” na bukas sa patronage-politics.

Punto pa ni De Lima, wala pa ring nakukulong na malaking personalidad sa pinakamatinding korapsyon sa pondo ng bayan kaya nandyan pa rin sila at mga kasabwat o galamay nila.

bukod sa oversight committee ay binigyang-diin ni De Lima ang kahalagahan na maipasa ang panukalang Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability (CADENA) Act.

Ayon kay De Lima, malaking bagay ang itinatakda ng CADENA Bill na pagkakaroon ng digital budget portal kung saan magiging bukas sa publiko ang detalye ng bawat paggastos ng gobyerno.

Facebook Comments