Magsusumite rin ng kanilang legislative priority measures ang minorya sa Kamara para ikonsidera ng dalawang Mababang Kapulungan.
Kasunod na rin ito ng caucus sa pagitan ng Kamara at Senado kung saan inilatag ang common agenda ng dalawang kapulungan.
Ayon kay Minority Leader Joseph Stephen Paduano, napagkasunduan sa oposisyon na magsusumite sila sa Kamara at Senado ng sariling listahan ng priority legislation na maaaring isama sa common agenda ng Kongreso.
Pagtitiyak naman ng mambabatas na mananatili ang critical cooperation ng minority bloc sa House leadership partikular sa mga COVID-19 related measure.
Kabilang sa priority measures na napagkasunduang pagtitibayin ng Kongreso ay ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE Act, Financial Institutions Strategic Transfer o FIST Act, Rural Agricultural and Fisheries Development Financing System Act, paglikha ng Department of Overseas Filipinos at pag-apruba ng dalawang kapulungan sa pambansang budget bago matapos ang taon.