Minorya, suportado ang ChaCha pero sa kondisyong ito ay sa federalismo lamang

Suportado ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang muling pagbuhay ng Kamara sa charter change basta’t ito ay tungkol sa federalismo lamang.

Panawagan ni Pimentel, ang federalismo lang ang buksan at huwag na ang business side o iyong mga negosyo na nasa ilalim ng economic provision.

Hindi aniya dapat payagan ang mga dayuhan na i-exploit ang ating mga resources lalong lalo na ang magmay-ari ng lupain sa Pilipinas.


Ang dapat lamang aniya ay manageable ang ilalatag na pagbabago at gawing step by step ang proseso ng presidential papuntang parliamentary na gobyerno.

Hirit ng Minority Leader sa Senado na huwag na sanang pakialaman ang mababaw na probisyong pampulitika tulad ng usapin sa ‘term limits’.

Bagamat maganda aniya na i-review sa 2024 ang ating Konstitusyon, aminado naman si Pimentel na mahina ang suporta ng Senado para sa isinusulong na chacha ng mababang kapulungan.

Facebook Comments