Miracle baby sa Chicago, gumising na!

Image via Facebook/Cecilia Garcia

Patuloy na lumalaban ang isang sanggol na sapiliting kinuha sa sinapupunan ng kanyang ina sa Chicago, U.S.A.

Ibinahagi ng student pastor na si Cecilia Garcia ang larawan ng sanggol na mahimbing natutulog sa braso ng kanyang ama. Ilang minuto matapos kuhanan biglang dumilat ang mata ng munting anghel.

“We were just praying and praying and he opened his eyes, and his dad said, “Oh my God, he opened his eyes! We’ve been blessed, although this is a really bad tragedy, they’re such a loving and humble family and it’s just so wrong what happened to them.”, sabi ni Garcia sa panayam ng CNN.
Ayon pa sa miyembro ng Lincoln United Methodist Church sa lugar, nagkakaisa ang kanilang mamamayan para tulungan ang pamilya.
“I felt like I was watching a scary movie when I heard about this. It was really bad. But she’s (Marlen) evoked the whole nation of people, pouring their love out for this family. He’s (Yovany Lopez) a single dad now, and we’re praying this baby makes it.”

Pinangalanang Yadiel ang matapang na sanggol. Gumawa rin ng GoFundMe campaign ang kanyang tatay para sa mga nais magbigay ng donasyon.

Nitong nakaraang linggo, natagpuan patay ang ina ng sanggol na si Marlen-Ochoa Lopez, 19 taong gulang, sa basurahan malapit sa bahay ng mga suspek.

Kuwento ni Yovany, asawa ng pinaslang na si Marlen, pinuntahan nito ang bahay ng mga salaring sina Clarisa at Denise Figueroa para kunin ang mga pinamimigay na free baby clothes. Pagdating sa tirahan, walang awa na kinitil ang buhay ng buntis gamit ang kable.

Agad naaresto ng pulisya ang mag-ina kasma ang live-in-partner na si Piotr Bobak.

Facebook Comments