Cauayan City, Isabela- Pinaghahandaan na ngayon ng Our Lady of the Pillar Parish Church ang mga magkakasunod na misa na isasagawa sa simbahan at sa mga sementeryo sa Lungsod ng Cauayan.
Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Brother Art Nisperos, ang Worship’s Commission ng Our Lady of the Pillar Parish Church sa Cauayan na ito aniya ang panahon upang gunitahin at ipanalangin ang mga namayapang mahal sa buhay.
Importante aniya itong gawin ito ngayong undas na siyang magpapatibay rin sa ating pananampalataya.
Kaugnay nito, nakipag-ugnayan na ang kanilang simbahan sa PNP Cauayan upang magbantay at matiyak ang kaligtasan ng mga makikimisa.
Mensahe naman ni Bro. Nisperos ngayong ‘All saints day at all souls day’ na makiisa sa mga gagawing misa at panatilihin ang kalinisan sa mga sementeryo upang maging makabuluhan at kaaya-aya ang pagdiriwang ng undas.