Misa para sa mga biktima ng EJK, isinagawa bago ang ikawalong quad comm hearing

Nagsagawa ng misa sa House of Representatives People’s Center kung saan dumalo ang mga kongresistang kasapi ng Makabayan bloc at mga biktima ng extra judicial killings (EJK) sa ilalim ng war on drugs.

Idinaos ang misa dakong alas-10:00 ng umaga bago ang ikawalong pagdinig ng House quad committee ngayong araw.

Ayon kay House Committee on Human Rights Chairman Manila 6th District Bienvenido Abante Jr., tutok ang pagdinig ngayon sa isyu ng EJK.


Sabi ni Abante, imbitado sa pagdinig ang mga biktima ng EJK mula sa Cebu at Payatas, Quezon City.

Facebook Comments