Nasabat ng otoridad ang mga mishandled meat sa Brgy. PNR Site San Carlos City Pangasinan matapos maghigpit ang otoridad sa pagpasok ng produkto at karneng baboy dahil sa banta ng ASF.
Ayon Sa San Carlos City PNP, labing apat (14) na kahon ng karneng baboy, dalawamput tatlong (23) kahon ng karne ng manok at walong (8) kahon ng karne ng baka ang tinangkang ipuslit sa lungsod upang ibenta sa mga traders sa lalawigan.
Lumabag umano ang mga nagdala ng nasabing karne matapos ipagbawal ang pagpasok at paglalabas ng karne ng baboy sa San Carlos.
Agad namang sinunog ang mga nakumpiska sa Brgy. Taloy ng nasabing lungsod.
Samantala, naghihigpit ang Task Force ASF ng naturang bayan upang hindi makapasok ASF virus dito.
Facebook Comments