Mangingisda sa Dagupan City, nahulihan ng higit 12,000 halaga ng iligal na droga

Timbog ang isang mangingisda matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa kaniyang bahay sa Brgy. Lomboy Dagupan City.
Sa report ng Dagupan City PNP, nang lumabas ang search warrant nito ay agad na nagsagawa ng operasyon ang otoridad laban sa suspek na si Christopher Santillan, 38 anyos.
Dalawampu’t tatlong pakete ng hinihinalang shabu o nagkakahalaga ng higit 12, 000 at mga ndrug paraphernalias ang nakuha sa kaniyang kustodiya. Nakapiit na ngayon sa PNP Dagupan ang mangingisda.

Facebook Comments