Misis, Arestado sa Pagnanakaw sa Isang Mall!

637

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang misis na taga Caloocan City matapos matiklo sa pagnanakaw sa isang Mall sa Gaddang St. Poblacion South, Solano, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si Grace Gomez, nasa tamang edad, may-asawa at residente ng F27 Brgy. Aguilar, Caloocan City.


Siya ay inireklamo ni Emily Cabbigat, 37-anyos, may-asawa, supervisor ng Centro Mall Department Store na residente ng Brgy. Quirino, Solano, Nueva Vizcaya.

Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nadiskubre ang pagpuslit ni Gomez ng isang brand ng skinny jeans at bull cap at hindi binayaran sa kahera.

Agad namang itinawag sa himpilan ng pulisya at naaktuhan pang hawak nito ang nasabing mga items na ipupuslit sana ni Gomez.

Dito na inaresto ang suspek na ngayon ay pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya habang inihahanda na ang mga dokumento para sa isasampang kaso na qualified theft laban sa kanya.

Facebook Comments

From Advertisers