Misis at Ka-Work Pumasok sa Boarding House, Nasundan ni Mister sa Naga City

Ala-una ng hapon nitong nakaraang September 18 lamang nang mapagpasyahan ni Mark na pasyalan ang kanyang Misis na si Mae na nagta-trabaho sa isang malaking Mall sa Barangay Triangulo sa Naga City.
Subalit laking gulat ni Mister nang makita niyang naglalakad si Misis papalabas ng Mall na may kasamang ibang lalaki. Sweet-na-sweet pa kung tingnan ang dalawa.
Sinundan niya sila at nakita ni Mark na pumara ng pampasaherong tricycle ang dalawa.
Sinundan niya ang tricycle na tumigil sa Brgy. Triangulo, Naga City.
Nakita ni Mark na bumaba ang dalawa at nagmamadaling pumasok sa isang boarding na solong inuukupa ng kasamang lalaki ni Mae na kinilalang si Cliff, legal age, single na taga-Lucena City.
Si Cliff ay ka-work ni Mae sa isang malaking Mall diyan sa Brgy. Triangulo.
Kumatok si Mark sa pinto ng boarding house. Nang magbukas ang pinto laking gulat ni Mae na Mister niyang si Mark pala ang kumatok at kaagad na kinumpronta ang dalawa.
Para nakakita ng multo si Mae ganundin ang ka-work nitong si Cliff.
Pilit na itinanggi ng dalawa na mayroon silang elicit affair.
Nagtimpi na lamang si Mark at nagreport sa pulisya na nahuli niya ang kanyang misis na may kasamang ka-trabaho at pumasok sa boarding sa Brgy. Triangulo dito sa Naga City.
Ang Mister na si Mark ay edad 30, walang trabaho, at ang Misis nitong si Mae, edad 26 ay residente ng Brgy. Camuning, Calabanga, Camarines Sur.

Facebook Comments