Misis Sinaksak ng 25 Beses, Planong Gahasain!

Santiago City, Isabela – Nasa kritikal na kalagayan parin ang isang ginang matapos itong pagsasaksakin ng labing limang beses at plinano pang gahasain kamakailan sa Brgy. Rizal, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Olive Dionisio Balag habang kinilala naman ang suspek na si Armando Deocares mga pawang residente sa naturang barangay.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Rolando Gatan hepe Santiago City Police Station 1, nakita umano sa pinangyarihan ng pananaksak ang saplot ng suspek a hinihinala pa na nanlaban din ang biktima matapos itong tuluyang pagsasaksakin.


Dagdag pa rito, nasa impluwensya din umano ng alak ang suspek kung saan ay nakipag inuman pa ito kasama ng asawa ni Balag sa isang lamay bago maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Samantala, nagkaroon na din umano ng trauma ang isa sa anak ng biktima dahil umano sa mismong nakita nito ang nangyaring pananaksak ng suspek sa kanyang ina.

Ngayon ay hawak na ng Santiago City Police Station 1 ang suspek na nahaharap naman  sa patung-patong na kaso.

Facebook Comments