NBA | Warriors, Celtics mga paborito sa game 7 ng Western at Eastern Conference Finals

NBA – Kahit may game 6 pa na kailangan maipanalo, ngayon pa lang ay angat na sa sports betting stations ang defending champion Golden State Warriors kontra Houston Rockets para sa titulo sa Western Conference ng NBA.

Lamang ang Houston, 3-2, matapos talunin ang Warriors kahapon pero sa kabila nito liyamado pa rin ang Golden State dahil hindi makakapaglaro ang star point guard ng Rockets na si Chris Paul.

May harmstring injury si Paul na natamo nito sa closing minutes ng game 5.


Samantala, kahit natalo kanina sa Game 6, plus 2 pa rin ang Boston Celtics kontra sa Cleveland Cavaliers sa kanilang winner take all game 7 sa Eastern Conference Finals na gaganapin sa Boston sa Lunes, Manila time.

Facebook Comments