Misis na umano’y nagtaksil, patay sa saksak ng mister

6068
REPRESENTATION PHOTO FROM SHUTTERSTOCK

STA. BARBARA, PANGASINAN – Nasawi ang isang misis matapos pagsasaksakin ng sariling mister dahil sa matinding selos.

Natagpuan ng mga anak ang duguang katawan ng inang si Jennelyn Qumiang sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay Cabalong nitong Martes ng madaling araw.


Kalaunan ay sumuko ang suspek na si Reynaldo Catungal Loresco, 37-anyos.

Ayon sa pulisya, nagkaroon ng matinding pagtatalo ang mag-asawa bago maganap ang krimen.

Makalipas raw ang isang oras, lumabas ang mga supling sa kwarto para tingnan ang kondisyon ng magulang nila. Dito na tumambad ang nanay na naliligo sa sariling dugo.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero agad namatay bunsod ng tinamong saksak sa tagiliran at braso.

Tumakas daw si Loresco sakay ng isang motorsiklo.

Napag-alaman din na sinampahan ni Qumiang ng reklamong paglabag sa Violence Against Women and their Children (VAWC) ang kabiyak.

Depensa naman ng suspek, nagdilim ang paningin niya sa maybahay dahil sa ginawang pagtataksil nito.

Nasa kostudiya ng Sta. Barbara police si Loresco na sasampahan ng kasong parricide.

Facebook Comments