“No Take Policy”, Mahigpit na Ipatutupad ng PNP Cauayan City!

89

Cauayan City, Isabela- Nakikiisa at sumusuporta ang buong kapulisan ng PNP Cauayan City sa kautusan ni PNP Chief Police General Archie Gamboa sa “No Take Policy” sa lahat ng mga iligal na gawain.

Ito ang iginiit ni P/Lt.Col. Gerald Gamboa, Chief of Police ng PNP Cauayan na wala silang sasantuhin sa sinumang mahuhuli na sangkot sa lahat ng iligal na pagsusugal, sa iligal na droga at iba pang mga iligal na gawain.


Tiniyak nito na mananagot ang mga mahuhuling lalabag sa batas lalo na sa mga miyembro ng kapulisan o empleyado ng gobyerno.

Hinikayat nito ang lahat na huwag matakot magsumbong sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya kung may mga impormasyon kaugnay sa mga nasasangkot sa iligal na gawain upang agad nila itong matugunan.

Facebook Comments