Misis, patay nang aksidenteng mabaril ni mister

4740

UPSTATE, New York – Nasawi ang isang babae matapos aksidenteng mabaril ng kanyang asawa sa loob ng kanilang bahay.

Sisintensyahan sa darating na Lunes, Nov.25 si Eric Rosenbrock, 36, na una nang nabigyan ng limang taong probasyon bilang parte ng kanyang depensa, dahil sa naturang aksidente na naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang asawang si Ashley Rosenbrock, 36.

Sabi ni James Murphy, Saratoga County Judge na humahawak ng kaso, “No sentence I can impose can ever bring Ashley back to be the mother, wife and daughter that she was.”


Batay sa inilabas na report, nililinis noon ni Eric ang kanyang baril bilang paghahanda sa kanyang hunting trip nang bigla niya itong napaputok at aksidenteng natamaan ang kanyang asawa na noo’y nakaupo lamang sa sofa.

Naisugod pa si Ashley sa Saratoga Hospital ngunit binawian rin ng buhay.

Para kay Murphy, naging pabaya umano si Eric sa paglilinis ng baril na dapat ay hindi raw ginagawa sa loob ng bahay habang nanonood ng telebisyon.



“There are far more reasonable ways of cleaning a firearm, outside the house where no one is present, away from people,” aniya.

Samantala, para naman sa ina ni Ashley na si Lorraine Tefft, hindi niya sinisisi kay Eric ang nangyari.

“I am so sad Ashley and Eric’s story ended this way. It shouldn’t have,” aniya.

Facebook Comments