Manila, Philippinnes – Dahil sa mismanagement o hindi maayos na paghawak sa isyu sa West Philippine Sea ng Administrasyong Aquino kaya mas naging mas magulo ang isyu
Ito ang ipinupunto ngayon ni defense secretary Delfin Lorenzana
Sinabi ng kalihim pagpasok ng administrasyong Duterte, nadatnan nilang walang nangyaring kalakakalan o palitan ng pagbibili ng produkto sa pagitan ng Pilipinas at China,
Kakaunri rin aniya ang bilang ng Chinese tourist sa bansa, hindi rin anya nakakapangisda ang mga Pilipino sa Scarborough Shoal at hinaharaass pa ng china ang mga sundalo ng Pilipinas
Ngunit sa ngayon, ayon kay Lorenzana, nabago na ito lahat
Dahil nakakapag export na raw ang Pilipinas sa China, dumoble na rin anya ang bilang ng mga Chinese tourists sa bansa, malaya na raw nakakapangisda ngayon ang mga Pilipino sa Scarborough sHoal at hindi na rin anya ginugulo ng China ang mga sundalong Pilipino
Isolated case naman para kay Lorenzana ang iniulat ni Representative Gary Alejano nitong nakalipas na buwan ginulo ng Chinese Coast Guard ang mga sundalong magdadala lang sana ng supply sa barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal
Habang patuloy na iniimbestigahan ng DND ang isyu naman ng umanoy sapilitang pagkuha ng Chinese Coast Guard sa mga nabingwit na isda ng mga pilipino sa Zambales.