INDEPENDENCE DAY | MRT, LRT at PNR – may libreng sakay bukas

Manila, Philippines – May alok na libreng sakay ang MRT at LRT bukas, June 12.

Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Independence Day.

Sa abiso ng MRT-3, ang free ride ay mula alas-7 hanggang alas-7 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.


Sa parehong mga oras din magbibigay ng libreng sakay ang LRT-1 na biyaheng Baclaran to Roosevelt at vice versa gayundin ang LRT-2 na biyaheng Santolan to Recto at pabalik.

May free ride din ang PNR, alas-7:07 at alas-7:37 ng umaga at alas-6:07 ng gabi para sa mga biyaheng Tutuban to Alabang habang alas-7:30 at alas-8 ng umaga at alas-6 at alas-6:30 ng gabi kung Alabang to Tutuban.

Libre rin ang biyaheng Tutuban to Calamba sa oras na alas-6:37 ng gabi.

Facebook Comments